Saturday, May 9, 2009

Rooting for Adam Lambert and Other Random Stuff


I was writing a bunch of things already, but had to delete them, kasi mejo walang cohesiveness. Pero malamang ito rin naman. Haha! Siguro I would just like to say na masaya ako kung si Adam ang mananalo ngayon sa American Idol. I don't normally root for the rockers, mejo mga Archuleta type yung mga gusto kong suportahan. So ngayon I'd normally cheer for either Kris or Danny. Pero wala e. I sense Adam is PLU (or is it prude of me to say that?) Gusto ko lang suportahan someone of my own, so to speak. Tsaka in my humble opinion magaling talaga siya. So ayun, I hope manalo siya.

Mejo tagal na ng huling post. Wala kasi ako maisip na maisulat lately. Plus nagkaproblema pa ang internet sa tinutuluyan naming hotel kaya nablock ang Blogspot. Kaya eto, mejo walang post lately. Ngayon lang ulit ako nagka-access dito kasi umuwi na ako sa amin (for the weekend at the least).

I guess isa sa mga noteworthy na maisulat ay yung pagkalungkot ko sa pagdelete ng blog ng dalawang sinusubaybayan kong writers. Initially kasi apat lang ang nababasa ko na blogs. Kulang kasi sa time e. Dalawa pa sa kanila ay di ko na mabasa yung blog nila. Isa ay yung kay Jay Vee (for invited readers na lang siya), yung isa naman ay yung kay Mugen. Di ko naman sila kilala pareho personally (pero katuwa at mas nakikilala ko na si Mugen), siguro naapektuhan lang ako ng emotions na nagsurround at nag-bring about ng changes na yun. But in any case, everything goes on pa rin naman. Buti nga ngayon dumadami na yung nababasa ko. Katuwa.

I guess yun lang naman for now.