skip to main |
skip to sidebar
Usapang yosi tau ngaun...
Natuto akong manigarilyo mga 9 na taon na ang nakakaraan. Nagkayayaan sa piyesta ng isang barkada, at ang gabi ay nauwi sa inuman. Mejo tipsy na rin siguro, kaya ayun, bumigay na ako sa matagal ko nang curiosity sa paninigarilyo. At nang sinabi ko na gusto ko matuto magyosi, ayun, dali-dali akong tinuruan ng mga mokong kong mga barkada. Sa kabila ng pagpigil ng ilan sa kanila na hindi naninigarilyo, nakatatlo akong sunod-sunod na stick. Sa palagay ko nga sa yosi ako nalasing, hindi sa vodka-pomelo. Ayos nga ang tulugan ko nun e. Sa sahig ng sala. Panalo!
Napatigil na rin ako magyosi nung 2004. Pero bumabalik-balik kapag mejo down, nasesenti, o mga similar na sitwasyon. Pero sandalian lang yung mga yun, tsaka madalang lang mangyari, mga once a year lang. Karaniwan isang kaha lang, tapos stop na ulit. Kakastart ko lang ulit magyosi ngayon-ngayon lang. Sobra kasing daming issue na iniisip. Pero sa pagkakataon na ito e mejo napapatagal ang paghinto ko. Pangatlo ko na atang kaha ito. Pero sabi ko naman sa sarili ko, hanggang December lang ito at the longest.
In any case, napansin ko na hindi ako nageenjoy na nagyoyosi na yun lang - kumbaga, parang kailangan may chaser lagi. Nahihilo rin kasi ako agad sa isang stick. Ito ang listahan ng mga paborito kong yosi-chaser:
1. Mentos
O kahit na anong mint. Sosyaling alternative ay Fox's. Ito kasi yung una kong nakuhang habit sa isa sa mga nagturo sa akin na isa sa mga malapit kong kaibigan.
2. Menthol candy na lemon flavor
Ito naman yung chaser ko nung mga time na nasesenti ako sa iniistalk ko nung hibang days ko nung college. Ahaha. Kaya kapag ito ang gamit ko, I remember how I was feeling back then.
3. Iced tea
Ito mejo staple ko na chaser. Usually kapag ordinaryong yosi lang ito ang chaser ko.
4. Ice cream
Panalo ito. Sa kapatid ko naman ito natutunan. Sarap din talaga.
5. Chocolait
Ito ang pinakahuli kong nadiskure. Solb na solb ako dito. Haha!
Yan. Mejo bad trip lang kasi hindi ako makapagyosi ngaun. Bagong opera sa ngipin e. Kaya kahit may ice cream para sa akin, hindi ko siya maisabay sa yosi. Sayang.
How 'bout you. How do you enjoy your stick?...
...Hehehe. Syempre pun intended.