Saturday, November 14, 2009

Kasama Ng Yosi


Usapang yosi tau ngaun...

Natuto akong manigarilyo mga 9 na taon na ang nakakaraan. Nagkayayaan sa piyesta ng isang barkada, at ang gabi ay nauwi sa inuman. Mejo tipsy na rin siguro, kaya ayun, bumigay na ako sa matagal ko nang curiosity sa paninigarilyo. At nang sinabi ko na gusto ko matuto magyosi, ayun, dali-dali akong tinuruan ng mga mokong kong mga barkada. Sa kabila ng pagpigil ng ilan sa kanila na hindi naninigarilyo, nakatatlo akong sunod-sunod na stick. Sa palagay ko nga sa yosi ako nalasing, hindi sa vodka-pomelo. Ayos nga ang tulugan ko nun e. Sa sahig ng sala. Panalo!

Napatigil na rin ako magyosi nung 2004. Pero bumabalik-balik kapag mejo down, nasesenti, o mga similar na sitwasyon. Pero sandalian lang yung mga yun, tsaka madalang lang mangyari, mga once a year lang. Karaniwan isang kaha lang, tapos stop na ulit. Kakastart ko lang ulit magyosi ngayon-ngayon lang. Sobra kasing daming issue na iniisip. Pero sa pagkakataon na ito e mejo napapatagal ang paghinto ko. Pangatlo ko na atang kaha ito. Pero sabi ko naman sa sarili ko, hanggang December lang ito at the longest.

In any case, napansin ko na hindi ako nageenjoy na nagyoyosi na yun lang - kumbaga, parang kailangan may chaser lagi. Nahihilo rin kasi ako agad sa isang stick. Ito ang listahan ng mga paborito kong yosi-chaser:

1. Mentos
O kahit na anong mint. Sosyaling alternative ay Fox's. Ito kasi yung una kong nakuhang habit sa isa sa mga nagturo sa akin na isa sa mga malapit kong kaibigan.

2. Menthol candy na lemon flavor
Ito naman yung chaser ko nung mga time na nasesenti ako sa iniistalk ko nung hibang days ko nung college. Ahaha. Kaya kapag ito ang gamit ko, I remember how I was feeling back then.

3. Iced tea
Ito mejo staple ko na chaser. Usually kapag ordinaryong yosi lang ito ang chaser ko.

4. Ice cream
Panalo ito. Sa kapatid ko naman ito natutunan. Sarap din talaga.

5. Chocolait
Ito ang pinakahuli kong nadiskure. Solb na solb ako dito. Haha!

Yan. Mejo bad trip lang kasi hindi ako makapagyosi ngaun. Bagong opera sa ngipin e. Kaya kahit may ice cream para sa akin, hindi ko siya maisabay sa yosi. Sayang.

How 'bout you. How do you enjoy your stick?...

...Hehehe. Syempre pun intended.

16 comments:

  1. hindi ko mabatid kung sa paanong paraan mo nakasalubong ang munting lugar na aking kinaroroonan

    gayunman maraming salamat.

    malakas akong manigarilyo.

    lahat ng 'chaser' mo, nasubukan ko.

    at paborito ko ay ang coffee caramel ice cream na cornetto kasabay ng marlboro lights na gold

    pero ang pinakamalimit na ka-partner ng marlboro lights black ko ay ang ice tea lychee flavor

    ReplyDelete
  2. nice to find your blog. and it's nice to have you here as well. :)

    ang brand ba ng lychee na iced tea na tinutukoy mo ay may variant na honey lemon tsaka honey apple? kapag nagkataon ay pareho pala tayo ng madalas na kapartner ng yosi.

    ReplyDelete
  3. di ako mahilig sa yosi... siguro unless yung bago ng marlboro.. muntik nako maadik dun eh.. hehehe salamat sa bisita.

    ReplyDelete
  4. wow, smoking kills huh.. lol. i just said this, because i my self never smoke, and didnt try what is the real taste of it, and why people were so addicted about smoking. would be my next post i guess.. heheheheeh, you gave me great idea..

    ReplyDelete
  5. oo, nanalo sa metro manila pop music festival ang awit ni odette quesada

    mahilig ang sa mga song fest entries

    maganda kasi ang harmony at message

    im actually okay na

    masyadong delayed lang yung post na full circle.

    dapat yun yung first entry ko s ablog ko

    kasi hinayaan ko munang maging okay ako

    ReplyDelete
  6. Gillboard: no problem! salamat din for dropping by. btw, anu ba ung bago ng Marlboro?


    Tim: yeah, it does. for me i get hooked up on cigarettes for psychological reasons. i associate smoking kasi with some strong emotions, kaya when i feel those emotions i feel the urge to smoke. tuloy mo lang ung ndi pagyoyosi, ayos yan..


    Anteros: ang endorser ba ng sinasabi mo na iced tea e mag-amang sumasayaw? (bakit pa kasi ayaw sabihin ung brand e. hehe)

    naliligaw ata ung comment mo. hehe. glad to know ayos ka na pala. tingin ko nga kailangan ko basahin nang buo blog mo para mas maintindihan ko. matapos lang itong project ko.

    ReplyDelete
  7. Bah. I should have read these ( and you should have written these) two years ago. I'm done with smoking now.

    Nice post though. Maybe if I get drunk I'm gonna grab a stick and try at least one of these. Lol.

    ReplyDelete
  8. pwede di kape.. yung extra strong.. haha.. gawain ko yan pag kelangan gising magdamag para mag-aral dahil may exams kinabukasan.. haha kaso lang, high ako habang nag-eexam ... haha :)
    anyways, salamat sa pagbabasa ng blog ko... medyo busy sa school kaya hindi ako nakakapagpost...
    cheers! :)

    ReplyDelete
  9. mines green now turns black... with a below zero bottle of san mig light... hay, bigla na naman akong nagcrave..

    ReplyDelete
  10. for some reason, kapag umiinom ako at walang kasamang yosi, pakiramdam ko may kulang.

    nice for you to drop by, WC (WC na lang ah). sau rin Pipo tsaka Kyle. :)

    ReplyDelete
  11. I used to smoke... I'm a good guy now LOL...

    Newbie here...

    ReplyDelete
  12. I like halls. any flavor except the red one.

    http://ficklecattle.blogspot.com/

    ReplyDelete
  13. *Jag: so you're saying bad boy kapag nagyoyosi? yari ka sa mga nagyoyosi. hehe. tnx for dropping by. (newbie?... dami mo kaya readers sa blog mo!)

    *Fickle Cattle: what's the matter with red one? :)

    ReplyDelete
  14. oo tena sarap ng ice cream pagtakapos ng menthol cigs, una nadiskubre ko yun nung minsang nag-emo ako ng valentines day. naglakad-lakad ako at may nakasalubong akong dirty ice cream

    ReplyDelete
  15. ay dirty ice cream... jologs...

    hehe, biro lang. i am actually moved the most to smoke kpag nasesenti ako.

    salamat for dropping by. :)

    ReplyDelete