skip to main |
skip to sidebar
Sa kasalukuyan naming project pinag-stay muna kami sa isang hotel na malapit sa project site, para kapag nagkaproblema yung program na ginawa namin e madali kaming makakapunta ng site. Sosyal ano, nakahotel pa! Haha! Pero oks rin kapag nakahotel kami. Bukod sa may allowance kami sa bawat gabi na nagstay kami sa project location, mas stress-free, at may libreng aircon. (Sori ah, ala po kasing aircon sa bahay namin, hindi katulad ng ilang mga bloggers na obviously rich kids. Lalo na kapag sa banko nagtatrabaho, o kaya naman ay isang abogado. Haha!)
Kaninang umaga nung bumababa na ako para kumain ng breakfast, syempre nandun na naman yung kalokohan na naming attendant. Oks sya, matangkad, may itsura, palabiro, at mukhang mabait naman. Pero wala akong nararamdamang atraksyon na sekswal sa kanya, more of admiration ba, na gusto kong maging katulad niya. In any case, kanina nung binati niya ako, syempre naglolokohan na naman kami. Sabi niya e "Good morning Sir Allan... Sir Allan... Sir Allan pogi." Syempre natawa na naman ako. Nasabi ko na lang ay "Mejo lang." Haha! Patawa talaga. Para kasing ansarap ng feeling na masabihan kang pogi. Hihihi.
Sa totoo lang hindi ko makita yung sarili ko na gwapo ako. Kaya nga nung mineet ko yung isa pang blogger e nung sinabi niya na cute ako e natawa lang ako. Nung gabi nga na yun sa mall kapag nahaharap ako sa salamin sa cr nasasabi ko na lang habang kausap sarili ko: "Cute ka raw," sabay tawa na may halong hindi paniniwala. Siguro ay bahala na yung ibang tao sa pagsabi kung totoo ngang may itsura ako. Pero lam niyo, mukhang naniniwala ako sa ungas na yun. Mukhang mapili 'to e, sabi nga e nakaka-anuhan raw niya ay nasa upper top 10 % ng mga gwaping. Hehehe. Oi peace tau ah.. Pero malaki naitulong niya na maiboost nang konti yung self-confidence ko.
Lam niyo ba na nasabi pala sa Bible na lahat tayo ay gwapo/maganda. May nagsabi sa akin na sa Psalm 139: 14 (ang basa pala dyan ay chapter 139, verse 14) "I praise you because I am fearfully and wonderfully made; your works are wonderful, I know that full well." Galeng ano? Nakakatuwa. Nasasabi pala sa Bible yan. Naiisip ko tuloy, sa tuwing pakiramdam ko e ang dugyot ko, pwede ko tandaan na sabi sa Bible e fearfully and wonderfully made pala ako. Naks!
I shared with someone why I was feeling down the other day. Part of his reponse was: "Feeling ko kasi, uncomfortable ka sa circumstances mo na tila meron kang iniiwasan na di mo maiwas-iwasan."...Baka nga totoo ito. Hindi ko pa mapag-isipan eh. Hirap ng nasa ganitong kalagayan. Hindi ko pa maitaguyod kung sino ba talaga ako.Hindi ko rin matanggal sa sarili ko yung pakiramdam na hindi pa rin ako mag-fit sa mundong ito. Puro aso naman tayo dito (as a another blogger has creatively put it), pero pakiramdam ko naiiba pa rin ako. Hindi kaya nasa akin ang problema?"Ikaw lang naman ang nagbobox sa sarili mo eh..."May future ata sa pagiging psychiatrist yung taong yun...
I bury my head in the comforts of the soft hotel pillows, trying to numb away the feelings of remorse and depression that seem to be inseperable from people who are born "different." I again find myself wallowing in self pity, surely wishing I was part of the "normal" world. I can't see myself facing tomorrow's responsibilities, let alone contend w/ the pressures of surviving another day. I sure wish everything is simple. I wish everything is easier. I wish everything is right. I wish everything is normal..
I sure wish I need not pour it all out like this. But everything just feels so heavy and hopeless. And it wouldn't suprise me that these soft pillows will soon be the cradle of a pool of saline tears.
... and noodles, and chocolate chip cookies, and of other things that I munched on, ate, drank, whatever, while tinkering with this blog.
Just finished changing the look of the blog. Hope it did not turn out to be an eyestrain.
A short thanks to T. I have always been used to guarded speech. Conversations with you is a refreshing change. Thanks!
Outlet ng aking mga sentimyento ang paunang motibo ng blog na 'to. Mga sentimyentong hindi madaling mailalabas sa mundo. Mga sentimyentong bunga ng simula ng unti-unti kong pagkagising sa kung sino ba talaga ako. Hindi ko alam ang patutunguhan ng blog na ito, kung ito ba ay makakaapekto sa ibang tao sa mabuting paraan, kung magkakaroon ako ng maraming kaibigan dahil dito, o kung ano pa man. Ngunit umaasa ako na sa huli ay maganda ang kahihinatnan ng blog na ito.
Dalawampu't walong gulang na ako. Sa kasalukuyan hindi ako masaya sa kinatatakbuhan ng aking buhay. Ako ay nakakulong sa loob ng maraming hawla. Mga kulungang aaminin ko na ako mismo ang may gawa, ngunit tinulungan ng lipunang mabuo at mapagtibay. Patong-patong ang mga bagay na tumatabon sa kung ano ang tunay na ako.
Bata pa lang ako ay madalas na sabihin ng aking ama na papatayin niya ako kung ako ay magiging isang binabae. Hindi siya seryoso sa kanyang sinasabi, marahil ay dala lamang ito ng takot na ang panganay niyang lalaki na may dala ng kanyang pangalan ay magbibigay ng kahihiyan sa kanya sa hinaharap. Sa murang edad ay wala akong muwang sa kahulugan ng pagiging isang binabae. Kaya maaga pa lang ay nagkaroon na ako ng takot sa isang bagay na hindi ko alam ang kahulugan. At ang kinatatakutan ay naging isang katotohanan. Lumaki ako na nakakaramdam ng atraksyon sa mga kapwa ko lalaki. Ngunit sadyang malaking salita ang binabae. Lalaki ako kumilos, ngunit sadyang pino. Hindi rin ako maihahalintulad sa isteryotipikong bading na kilala ng lipunan. Nagkakagusto rin ako sa mga babae. Ngunit, sa kabila ng lahat, eto ako, napapalingon sa mga lalaki na maganda ang itsura, at nakakaramdam ng atraksyon sa mga kapwa ko lalaki.
Hindi rin nakatulong na madalas ako tuksuhin ng aking mga pinsan noong kabataan namin. Na dumating sa punto na isa sa kanila ay hiniling sa akin na siya ay aking batihin. Higit pa na sa edad ng aking pagbibinata ay nagkaroon ako ng sekwal na mga karanasan sa aming kasambahay, na tumagal rin ng ilang taon. Na nagsasabay ang pagkadarang sa masasarap na sensasyon at pagdurusa sa kamalayang marahil ay nasisira ko rin ang kanyang buhay. Na lubhang dumurog sa aking pagkatao ang kanyang pagtutulak sa akin nang siya ay nagkaroon na rin sarili niyang kamalayan. Na sa wakas ay tumanda ako na takot sa lipunan, at nabubuhay nang walang kasiguraduhan sa sarili, na naging parang papel na tinatangay ng daloy ng mundo.
Sa gitna ng napakaraming kalituhan sa kasalukuyan, hindi ako nakakaramdam ng pagkagalit. Naroon lamang ang kagustuhang mailabas ang kung ano man ang nasa loob ko, ang maipakita ang totoong ako. At, marahil sa ikasusuka ng karamihan, ang mailabas ang pagmamahal ko sa iba na hindi ko maipakita dahil sa takot. Hindi ito isang paglaladlad, hindi ko kailangang aminin ang aking sitwasyon sa iba. Ito ay pagkilala sa aking sarili sa kung sino man ako.
Marahil simula ito ng malaki at magandang pagbabago sa aking buhay. Patnubayan nawa ako ng Maykapal.